Difference Between Investment Intruments and Investment Scheme

Anong pagkakaiba ng
INVESTMENT INSTRUMENTS
at INVESTMENT SCHEME like
AMAN?



Ito yung post ng founder ng Ignition Marketing at isa din sa mga affiliate ng company si MR. EDUARD REFORMINA na gusto kung ishare sa inyo dahil napaka educational niya lalo na kung gusto mong malaman at matutunan kung paano ba mag-invest ng tama.

He Said:


Share ko lang mga nangyari sa’kin kahapon… Hope you get inspired by this post and I hope you will learn somethings.

BOOM # 1. Nag-check ako ng email kahapon… Kumita pala ko P22,600 in the last 3 days.

Kumita ako habang may mga ginagawang ibang bagay (Tinatapos ko yung mga bagong training videos na makakatulong sa lahat ng mga IM members)

Ang sarap kapag automated ang business mo.

BOOM # 2. Nag-check ng IM affiliate account at kumita na pala ko ng P2.1M commissions in the last 4 Months bilang isang affiliate katulad mo (Not as a company founder).




Q: ANONG GINAGAWA MO PARA MAGAWA ANG MGA ‘YAN?


a) CONSISTENT akong nagda-drive ng traffic sa affiliate website ko.

b) CONSISTENT akong nagko-collect ng mga leads (Hindi ako pumapayag na lilipas ang isang araw na walang leads na papasok). Sa ngayon naga-average lang ako ng 13-20 leads kada araw. Kayang kaya mong gawin ‘to.

c) At kumita ako dahil NAKABENTA ako ng REAL products na “mapapakinabangan”, “magagamit” at “makukuhaan ng benefits” ng mga end customers. At hinayaan ko lang ang “Commission Ignition System” para mag-explain.


Q: KAYA KO RIN BANG MAGAWA ‘YAN?

YES!… I believe kaya mo rin. Kahit sino kaya. Basta’t may desire ka, at basta’t willing kang gumawa ng aksyon. Gawin mo yang a,b,c na ‘yan…

at mag-INVEST ka…

1) Maginvest ka palagi ng time sa mga income producing activities (Marketing, promoting, generating traffic, replying to inquiries, etc.). Magset ka ng daily goals na consistent mong gagawin for the next 6 months.

2) Mag-invest ka palagi sa knowledge at skills mo (Magbasa at manood ng mga training araw-araw). Kung ngayon tinatanong mo pa rin “bakit kaya yung iba parang ang dali lang sa kanila na magka-resulta”… Yun ay dahil nag-invest sila ng mabuti sa knowledge at skills nila.

3) Mag-invest ka sa pangalan mo (Help other people, build relationships and connections). Pangalan mo ang PINAKA VALUABLE na asset mo pagdating sa ganitong business. Alagaan mo ‘yan at protektahan. Kung medyo malabo sa’yo ang ibig sabihin nito, panoorin mo yung IM Revolution Course.

BOOM # 3. Natanggap ko na yung email confirmation ng P1.5M INVESTMENT ko sa mutual fund.

Q: ANO NAMAN ‘YANG INVESTMENT NA ‘YAN?

Investment means: “Making your money work FOR You.”

Ibig sabihin, magiinvest ka ng pera (ipapahiram mo) na gagamitin ng mga malalaking kumpanya (Tulad ng PLDT, Jollibee, SMDC, Meralco, etc) para mas-mapalago nila ang business nila.

Kapag lumago ang negosyo nila, ibig sabihin lalago din ang investment mo (By the way yun ang ibig sabihin ng return of investment “ROI” na kaninang pinaguusapan sa group page natin :)).

Q: WOW AYOS ‘YAN AH… SURE BA NA LALAGO ANG PERA KO PAG NAG-INVEST RIN AKO SA MUTUAL FUND?

Bawal ang mag-promise ng ROI. Kahit sa pag-demonstrate ng mga example ay may restriction na binibigay ang SEC. Kapag may nangako sa’yo ng guaranteed na ROI, tumakbo ka na palayo. LOL

Ang ROI mo sa mga lehitimong investment instruments ay magde-depende sa takbo ng market natin dito sa Pilipinas.

Pero historically, nagbo-boom ang Pilipinas ngayon. Developing country kasi tayo.

Ito yung site na pwede mong bisitahin para makita mo ang mga historical performance at daily performance ng mga mutual fund companies: http://www.pifa.com.ph/factsfignavps.asp

Wag kang magalala magkakaron rin tayo ng mga financial literacy training very soon. Ayos di ba?

Q: ANO ANG PINAGKAIBA NG TUNAY NA INVESTMENT INSTRUMENTS SA MGA INVESTMENT SCHEME.


*** Investment Instrument - Magiinvest ka ng pera na gagamitin ng mga malalaking kumpanya (Tulad ng PLDT, Jollibee, SM, etc) para mas-mapalago ang business nila. Kapag lumago ang negosyo nila ibig sabihin lalago din ang investment mo (By the way yun ang ibig sabihin ng ROI na kaninang pinaguusapan sa group page natin :)).

Ang mga investment instrument na ito ay Stock Market and Mutual Fund (UITF sa mga banko naman to). These are highly regulated industry (regulated ng SEC at ng BSP) at public ang mga detalye para maprotektahan ang kapakanan ng mga investors.

Pwede kang magsimulang mag-invest sa mutual fund/uitf for as low as P5,000. At ito yung pinaka magandang paraan kung gusto mong palaguin ang pera mo in the long term. Pero kaylangan may goals ka at kaylangan

Kapag kaylangan n’yo ng advice regarding REAL investment instruments, you can talk to Laurent, Manny Viloria and Me.

*** Investment Scheme - Maglalabas ka ng pera (Investment daw) dahil pangako sa’yo malaki ang balik o return ng investment mo. Ngayon ‘pag-naka invest ka na, ang kaylangan mong gawin para makuha yung ROI mo ay mag-recruit ng ibang tao na magi-invest din sa scheme. Ibig sabihin mangagaling ang kikitain mo sa mga perang ipapasok ng mga bagong investors. Ganito nagwo-work ang investment schemes.


RECAP:

Investment Instrument - Magpapautang ka sa mga malalaking kumpanya tru mutual fund companies or sirectly via stock market, at gagamitin nila ang pera mo para mapalago ang negosyo nila. Kapag lumago ang business nila lalago rin ang investment mo.

Invetment Scheme - Investing money so you can participate in the investment scheme. You will make money from other investors money.

Q: ILEGAL BA ANG MGA INVESTMENT SCHEMES?

Magiging ilegal yan kapag sinimulan ka nangg habulin ng NBI dahil sa mga nagre-reklamong investor na pinangakuan ng guaranteed na ROI.

Q: PANO O KAYLAN KO MALALAMAN KUNG ILEGAL ANG BUSINESS MODEL NA PINASOK KO?

Unfortunately… Kapag huli na ang lahat.

Q: PANO KO MAPO-PROTEKTAHAN ANG SARILI KO?

Common sense at proper business knowledge lang ang kaylangan para maprotektahan mo ang sarili mo.

Kung gusto mo ng long-term na business na tatagal para masoportahan mo ang lifestyle at pamilya mo, siguraduhin mo na OO ang sagot mo sa mga tanong na ‘to:

1) Ang business mo ba ay nagbi-bigay ng value sa buhay ng ibang mga tao?
2) Are you REALLY selling product to end customers?
3) Ang product ba na binebenta mo ay magagamit at mapapakinabangan ng mga end customers mo?

Magsilbing leksyon na lang rin sa atin ang mga nagdaang mga investment schemes like AMAN at Global Money.

Marami ang mga kumita ng milyon-milyon sa mga investment scheme na ‘yan (Dahil maraming tao ang mga nasilaw, kahit mga matatalino at edukadong tao sumali. Mga government officials, businessman, police, etc.)

Pero mas-marami ang nawalan ng pera.

May mga tao na naibenta ang mga ari-arian dahil nasilaw sa mabilisang kita. Mga sa huli nagsisi.

Maraming mga networkers ang nasira ang pangalan. Nawalan ng reputasyon.

Marami ang hinuli ng pulis at kinumpiska lahat ng kinita, tapos sinaktan at pinerahan pa.

May mga pinatay at sinalvage rin.

Kung gusto mo ng long term na business. Make sure to provide service and value sa tao… Sa customer.

Questions To Ask Yourself…

Am I doing a real business para sa future mo at para sa pamilya ko?

Am I providing real value at service sa mga tao?

OR…

Am I risking my name, my reputation and even my own life?
.
.
.
.
Some Sources:
http://www.sunstar.com.ph/manila/local-news/2014/12/13/cop-linked-aman-investment-scam-killed-381849

http://www.gmanetwork.com/news/story/340406/news/nation/pagadian-mayor-co-easy-money-lured-me-to-aman-pyramid-scam


Kung may nakuha kang value feel free to comment below..


Know more About Tips And Tricks....
Coach Julius Dungca
Pinoy Internet Entrepeneur

Contact information
Email: juliusdungc@yahoo.com
Contact# 09172495082
No posts.
No posts.